"Matagal ng ni rereklamo ng mga ospital itong mabagal na pag reimburse ng mga gastos ng mga ospital at pasyente; kelangan bilisan ng Philhealth ang pag proseso ng claims ng mga ospital otherwise magkakaroon tayo ng systems failure dito sa healthcare system natin; pag di na babayaran ang health services maaaring may mag sara na ospital at mapeperwisyo ang publiko at ang nangangailangan ng serbisyonh pangkalusugan. Taun taon nagbabayad ang milyon milyong Pilipino ng automatic deductions mula sa sweldo nila, maliit o malaki man ang sahod; in addition, may 70B na dagdag subsidiya ang national government sa pondo ng Philhealth itong nakaraang taon. Dapat din tingnan ng ARTA o anti red tape authority ang mga proseso ng Philhealth para alamin ang rason sa mabagal na pagbayad ng mga health insurance claims ng mga ospital; nasa ilalim tayo ng public health emergency kayat inexcusable o di katanggap tanggap itong nangyayari ngayon."
SEN. ANGARA ON THE THREAT OF HOSPITALS TO WITHDRAW FROM PHILHEALTH SYSTEM BECAUSE OF DELAYED REIMBURSMENTS OF CLAIMS:
Date