Kaugnay sa muling paglobo ng COVID cases sa bansa: “MAGPABAKUNA, SUMUNOD SA HEALTH PROTOCOLS AT PATULOY NA PAG-INGATAN ANG KALUSUGAN” - ANGARA
MULING nanawagan si Senador Sonny Angara sa publiko, partikular sa mga ‘di pa nakapagpapabakuna na magpabakuna na kontra COVID upang mapangalagaan ang sarili laban sa virus.
Ito ang pahayag ng senador sa gitna ng muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID sa bansa nitong mga nakaraang araw.
Kaugnay ang panawagang ito ni Angara sa pahayag ng Department of Health (DOH) na 85 porsyento ng mga pasyenteng may malalang COVID sa mga pagamutan ay pawang mga hindi pa bakunado.